HIGIT LIMANG DAANG COLLEGE STUDENTS, KASALI SA LISTAHAN NG BAGONG MGA ISKOLARS NG PROVINCIAL GOVERMENT NG LA UNION

Nasa limang daan at tatlumpu’t siyam na mga college students sa lalawigan ng La Union ang napasali sa listahan ng bagong mga scholars ng kanilang Pamahalaang Panlalawigan (PGLU).
Ang La Union Educational Assistance and Scholarship Program (LUEASP) ay programa ng lalawigan na patuloy na tumutulong sa edukasyon ng mga mahihirap ngunit karapat-dapat na mga mag-aaral mula sa lalawigan.
Ang 539 na iskolars ay mula sa iba’t ibang munisipalidad ng La Union.

Sa ginanap na interactive virtual orientation sa mga bagong tinanggap na iskolar, pinag usapan nila ang mga alituntunin ng scholarship at mga responsibilidad ng iskolar ng pamahalaan.
Ang provincial government naman ng La Union ay patuloy na hinihikayat ang mga iskolars nito na tumuon rin sa layunin ng lalawigan.
Buo rin ang suporta ng pamahalaang lalawigan sa kanilang pag-aaral para matiyak na sila ay magkakaroon ng matibay na pundasyon ng suporta, pagmamahal, at patnubay habang sila ay nagpapatuloy sa kanilang mga gawaing pang-edukasyon. |ifmnews
Facebook Comments