PRESYO NG ITLOG SA ILANG BAYAN NG PANGASINAN, TUMAAS SA MERKADO

Ramdam ng ilang mga mamimili at negosyante sa bayan ng Dagupan at Mangaldan ang pagtaas ng presyo ng itlog sa merkado.
Ayon sa City Agriculture Office, nakakaapekto umano ang malamig temperatura ng panahon sa produksyon ng itlog sa ilang farm, bunga nito ang kakulangan ng suplay.
Aabot naman sa dalawang pero ang itinaas ng itlog kada piraso depende sa laki ng mga ito.
Isa ring nakitang kakulangan ng suplay ang pagsara ng mga pinagkukunang mga farm ng mga negosyante dahil sa problemang napepeste ang mga ito.

Ang mga mamimili mas pinipili na ang mga itlog na may basag na may presyong apat hanggang anim na piso habang ang mga bago naman ay nasa walo hanggang siyam na piso.
Tinatangkilik din ang mga organic eggs na may may presyong pitong piso.
Samantala, pahirapan pa rin sa pagkuha ng suplay ng itlog ang ilang mamimili at negosyante sa pamilihang bayan ng Dagupan at Mangaldan. |ifmnews
Facebook Comments