HIGIT LIMANG DAANG RESIDENTE SA MGA BARANGAYS ISLANDS SA DAGUPAN CITY, NAHANDUGAN NG SERBISYONG PUBLIKO

Handog para sa mga residente sa mga island barangays ng Dagupan – ang mga barangay ng Calmay, Salapingao at Pugaro ang libreng sakay, Bangka Edition mula sa IFM Dagupan bilang bahagi ng serbisyong publiko para sa higit limang daang residente mula sa mga nasabing barangay ng syudad.
Kalakip ng nasabing libreng sakay ay ang pamamahagi ng stub kung saan ililista ng mga maswerteng pasahero ang kanilang pangalan dahil maari rin itong manalo sa promo online na libreng free load or cash.
Ikinatuwa naman ito ng mga residente sa mga island barangays na tinungo ng IFM Dagupan Team dahil malaking bawas na rin sa kanilang pera ang bente pesos, ito ang minimum fare ng mga residente partikular sa mga residente sa Brgy. Calmay dahil hanggang ngayon ay wala pa ring paggalaw sa bayad sa pampasaherong Bangka.

Magandang balita rin ito para sa mga motorboat drivers dahil bawas abala ito sa kanilang paniningil at sa pamamagitan din nito ay nagpapatuloy ang kanilang source of income.
Samantala, ang libreng sakay Bangka edition ng IFM Dagupan ay may layong makapagbigay serbisyo partikular para sa mga residente sa mga islands barangays sa Dagupan City. |ifmnews
Facebook Comments