Good News sa mga jobseeker!
Libu-libong trabaho ang alok ng PhilJobNet na maaring aplayan.
Ang PhilJobNet ay internet-based job and applicant matching system ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon sa Bureau of Local Employment ng DOLE, nasa 20,000 trabaho ang available sa PhilJobNet.
Kabilang sa mga bakanteng trabaho ay Call Center Agents (1,539 vacancies), Customer Relations Officer (297), Tile Setter (180), Telecommunications Specialist (90), Customer Service Assistant (65), Building Construction Laborer (60), Billing/Collection Officer (60), Administrative Clerk (60), Sales Officer (50) at Logistics Officer (50).
May alok ding Personnel Clerk (50), Telecommunications Technician (30), Maintenance Technician (29), Accounting Officer (25), Wholesale Trade Salesman (20), Construction Laborer (20), Van Driver (20), Salesman (16), Scaffolder (15) at Delivery Man (15).
Ang PhilJobNet ay pasilidad ng labor department na layong matulungan ang mga jobseeker sa mabilis na paghahanap ng kanilang trabaho.
Para sa job vacancies at iba pang employment facilitation services, jobseekers at employers, maaaring mag log-in sa philjobnet.gov.ph.
Ang DZXL 558 RMN Manila – Radyo Trabaho ay katuwang ng PhilJobNet sa paghahatid ng impormasyon at oportunidad sa publiko sa panahon ng pandemya.
Samantala, sa huling datos ng Job Displacement monitoring report ng DOLE, aabot sa 135,162 displaced workers ang naitala sa buong bansa mula sa 6,500 establishments mula Enero hanggang Hulyo 27, 2020.