Cauayan City, Isabela- Hindi isinasantabi ng Department of Agriculture (DA) region 2 ang posibleng ikasama sa kalusugan ng isang indibidwal kung masosobrahan ang labis na pagkain ng kamatis.
Ito ay makaraang kumalat sa social media ang umano’y taglay ng kamtis na fungicide na isang paraan na ginagamit ng ilang magsasaka para mapanatili ang pagiging sariwa.
Ayon kay Rosemarie Aquino, OIC Regional Technical Director for Research and Regulations/ PRDP Focal Person, hindi pa man direktang kinukumpirma ang magiging epekto ng pagkain ng kamatis ay inaabisuhan ang publiko na i-regulate ang paggamit nito.
Bukod dito, naging aktibo rin ang punong bayan ng Dupax Del Norte sa Nueva Vizcaya na magkaroon muna ng paunang pagsusuri bago ilabas ang mga gulay sa merkado partikular ang kamatis.
Kinakailangan kasi na hindi sumobra ang residue level na ginagamit sa kamatis para masigurong ligtas ang mga itong kainin.
Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang hakbang ng ahensya para higit na masuri ang kamatis sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal kung talaga bang nagtataglay ang mga ito ng kemikal na posibleng makasama sa kalusugan ng tao.