Higit na pagpapahalaga ng mga Pilipino sa kanilang kalusugan kumpara sa pera, positibong idinulot ng pandemya

Ikinatuwa ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na nagsasabing nakararami sa mga Pilipino ay higit na nagpapahalaga sa kanilang kalusugan kumpara sa pera.

Sabi ni Go, ito ay nagpapatunay na sa panahon ngayon, ay mas binibigyang-halaga na talaga natin ang ating kalusugan kumpara sa ibang bagay.

Naniniwala si Go na marahil ito ang positibong resulta ng COVID-19 pandemic dahil naging conscious na tayo kung paano mapapanatiling ligtas ang ating sarili sa iba’t-ibang sakit at maging ang ating mga pamilya at komunidad.


Sabi ni Go, nagkaroon kasi tayo ng takot at pangamba nang dumating ang pandemya dahil nakita natin na wala itong sinisino at kahit ano ang kalagayan sa buhay ay puwedeng dapuan nito at maaaring mauwi sa kamatayan.

Iginiit ni Go na kung magpapatuloy ang pagpapahalaga natin sa kalusugan, at mananalig ang malaking bahagi ng ating populasyon sa bakuna kontra COVID-19 ay unti-unti na nating masisilayan ang sinasabing “light at the end of the tunnel”.

Facebook Comments