Nilagdaan ng Pilipinas at Asian Development Bank ang $1.3 billion loan para sa Malolos-Clark Railway Project.
Pinangunahan nina Finance Secretary Carlos Dominguez III at ADB Vice President Ahmed Saeed ang paglalagda sa loan agreement na nasaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañan.
Suportado rin ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang proyekto kung saan magbibigay sila ng hanggang dalawang bilyong dolyar para sa rolling stock at railway system nito.
Inatasan na ni Pangulong Duterte ang Department of Transportation (DOTr) para mapabilis ang pagtatayo ng proyekto at tiyaking nasusunod ang highest quality standards.
Kapag natapos, inaasahang mapapabilis nito ang biyahe mula Metro Manila hanggang Clark International Airport sa halos isang oras.
Magiging partial operability nito ay sa 2022 at maseserbisyuhan nito ang nasa higit 300,000 pasahero kada araw at tataas pa ito hanggang halos 700,000 pasahero pagdating ng 2025.