Nakumpiska ang tinatayang nasa P1.3 Billion na halaga ng shabu matapos maaresto ang dalawang babaeng tulak ng droga sa Pateros.
Kinilala ang mga arestado na sina Sara Mendoza, 23-anyos, isang estudyante at residente ng Brgy. Malinao, Pasig City, at Angelica Cabrias, 29-anyos, residente ng Mayonga, Pasig City.
Matapos isailalim sa surveillance, nagkasa ng anti illegal drugs operation ang operatiba ng Regional Intelligence Division-Regional Drug Enforcement Unit
Nagkasundo ang mga ito na magkita sa bahagi ng M. Lozada Street, Brgy. Sto Rosario-Silangan, Pateros.
Nang mabentahan na ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000 ang Police agent na umaktong Posuer buyer, dito na ibinigay ang senyas at hinuli ang mga suspek.
Isang knot tied transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu, at pitong piraso ng medium heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu ang narekober.