Pagbibigay ng first dose ng COVID-19 sa Pasay City, ipinagpaliban muna

Wala munang pagbibigay ng first dose ng COVID-19 vaccine sa Pasay City.

Ayon sa Pasay Health Office, inuubos na lang nila ngayon ang natitirang doses ng mga bakuna na binili ng LGU na nakalaan para sa mga naka-schedule na matuturukan ng second dose.

Posibleng sa ikatlong linggo pa ng Hulyo muling itutuloy ang pagbibigay ng first dose habang inaantay ang darating na bagong suplay ng vaccines.


May naidagdag na 6,230 na indibidwal na kabilang sa A1,A2 ,A3 at A4 priority list ang nakatanggap na ng second dose ng Sinovac at Pfizer.

Facebook Comments