Higit P1 Milyong Halaga ng Marijuana, Nasamsam sa Isang High Value Drug Target sa Cagayan

11

Cauayan City, Isabela- Matagumpay na nasabat mula sa isang High Value Drug Target ang siyam (9) na rectangular form na naglalaman ng pinaniniwalaang pinatuyong dahon ng marijuana na may kasamang fruiting tops at stalks sa Centro 1, Lasam, Cagayan.

Agad na dinakip ang suspek nang maaktuhan itong binebentahan ng isang rectangular form ang isang PDEA agent na nagpanggap bilang poseur buyer.


Nasamsam ang nasabing bilang ng dried marijuana na ibinalot sa packing tape sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad sa pangunguna ng PDEA.

Ang mga nakuhang marijuana ay tinatayang may bigat na 8,500 grams at tinatayang nagkakahalaga ng Php1,020,000.00.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act na isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments