Bilang ng COVID-19 Active Cases sa Baggao, Cagayan, Lalong Tumaas

23

Cauayan City, Isabela- Nadagdagan pa ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Baggao sa Lalawigan ng Cagayan.

Naitala kahapon, May 30, 2021 ang 29 na panibagong kaso sa naturang bayan na kung saan napaulat din na nagpositibo sa RT-PCR Test ang alcalde ng Baggao na si Mayor Joan Dunuan.


Una nang pinagpapaliwanag ni Cagayan Governor Manual Mamba ang alkalde kaugnay sa paglabag nito sa ipinatutupad na health and safety protocols nang dumalo ito sa isang social gathering na sumasayaw habang walang suot na facemask.

Batay sa pinakahuling datos ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU), nasa 200 ang dagdag na bagong aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya at lima (5) ang napabilang sa namamatay sa nasabing sakit.

Facebook Comments