Higit P10-M halaga ng dahon ng marijuana, nadiskubre sa Kibungan, Benguet

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng checkpoint operation ang mga operatiba ng Kibungan Municipal Police Station nang mapansin nila ang isang puting pickup truck na biglang huminto mga 100 metro bago marating ang checkpoint.

Dalawang lalaki umano ang agad na bumaba mula sa nasabing sasakyan at tumakbo patungo sa direksyon ng bayan ng Kapangan.

Kanilang iniwang nakabukas ang pinto sa driver side ng sasakyan, at nang lapitan at siyasatin ito ng mga operatiba ay nadiskubre sa backseat ang 86 na tubular form at apat na sako ng dried marijuana leaves na may kabuuang timbang na 86 kilograms at Standard Drug Price (SDP) na P10.320 milyon.

Patuloy ang isinasagawang follow-up investigation at hot pursuit operation para sa pagkakakilanlan at pagkakaaresto ng mga suspek.

Facebook Comments