Higit P10-M na Tanim na Marijuana, Sinira sa Tinglayan, Kalinga

Cauayan City, Isabela- Umabot sa mahigit P10 milyon ang halaga ng tanim na marijuana na nadiskubre ng mga awtoridad sa tatlong araw na magkakahiwalay na operasyon sa bulubunduking bahagi ng Tinglayan, Kalinga.

Magkatuwang na sinira ng mga tauhan ng Kalinga PPO, RID PROCOR, RMFB 15, at PDEA Kalinga ang nadiskubreng plantasyon ng marijuana sa mga barangay ng Loccong at Tulgao West.

Mula sa naturang taniman, nadiskubre ang 20,000 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P4-M habang 625 marijuana seedlings na halagang P25K.


Samantala, nasa 50-kilo ng marijuana stalks at pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P6M ang nadiskubre.

Patuloy umano na magsasagawa ng ganitong operasyon ang mga awtoridad laban sa ipinagbabawal na gamot.

Facebook Comments