Higit P10 Million na halaga ng Shabu nakumpiska ng PDEA BARMM, 8 katao arestado

Walo katao ang naaresto ng PDEA BARMM sa inilunsad na magkakahiwalay na operasyon.
Lima sa mga ito ay naaresto sa bayan ng Wao Lanao Del Sur noong Feb. 12. Kinilala ni PDEA BARMM Director Juvenal Azurin ang mga naaresto na sina Cesar Caballero Delfin, 34 years old, Jomar Delfin, 33 years old, Allan Edris, 39 years old, Ian Meliton, 29 years old, at Maricel Ramos, 36 years old.
Nakumpiska sa mga ito ang 36 na sachet ng shabu na nagtitimbang ng 20 grams at tinatayang nagkakahalaga ng 136 K. Nakumpiska rin sa mga ito ang isang kalibre 45.
Arestado rin sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao noong Feb. 13 ang isang High Value Target. Kinilala ang suspek na si Adsme Taray Hasim AKA Adsme Ameril , 24 anyos. Nakumpiska sa kanyang posisiyon ang 500 grams na shabu at tinatayang nagkakahalaga ng 3.4 Million Pesos.
Samantala arestado rin ang dalawang notorious drug dealers sa law enforcement operation na ikinasa ng AFP-PNP-PDEA sa Amai Pakpak National Highway, Barangay Datu Saber, Marawi City, Lanao del Sur, Sabado ng umaga.
Kinilala ang mga naaresto na sina Jamil Khalid at Saranganu Bangcorong Khalil a.k.a Nur-Yahya/Marlon, pawang residente ng Barangay Kiratan, Molundo, Lanao del Sur.
Nakuha mula sa posisyon ng mga suspek ang dalawang jumbo size plastic sachets at isang large zip lock transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit kumulang isang kilo ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php 6.8 million.
Kasalukuyang nahaharap na sa kaukulang mga kaso ang mga nahuli at kasalukuyang nasa jail facility na ng PDEA BARMM sa Cotabato City.
PDEA BARMM Pics




Facebook Comments