Kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki matapos mahulihan ang mga ito ng ipinagbabawal na droga sa Aringay, La Union.
Sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad, nakumpiska ang humigit-kumulang 34 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng abot P136, 000.
Nakilala ang mga drug suspects na pawang mga residente ng Urdaneta City, Pangasinan at tinukoy na Street Level Individual (SLI) sa usaping ilegal na droga.
Nasa kustodiya na ang dalawa ng pulisya at haharap sa kaukulang kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








