CAUAYAN CITY- Naisakatuparan na ang pagsesemento sa mahigit isang kilometrong daan sa Sitio Diwagden, San Jose, San Mariano, Isabela.
Ang nasabing proyekto ay bahagi ng programang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services kung saan naglaan ng Php10,486,785 para rito.
Layunin nito na mapabuti ang pamumuhay ng mga residente lalo na sa pagbyahe ng kanilang mga kalakal patungong bayan gayundin ang pag-akses sa mga pangunahing serbisyo na hatid ng Lokal na Pamahalaan.
Ang matagumpay na konstruksyon sa proyektong ito ay nagpapakita ng aktibong partisipasyon ng komunidad at suporta ng Lokal na Pamahalaan ng San Mariano.
Facebook Comments