Higit P13 bilyon pondo ng NTF-ELCAC, nailabas na

Nailabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang higit P13 bilyong pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sa isang pagpupulong sa House Committee, sinabi ni Gabriela Women’s Representative Arlene Brosas na gagamitin ang pondo para sa ayuda at matulungan ang mga indibidwal at pamilya na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

May natitira namang tatlong bilyong pisong pondo mula sa 16 bilyon na pondo ng NTF-ELCAC.


Sa ngayon, hinihintay na lamang ng ahensya na makumpleto ang dokumento upang mailabas na ang natitirang pondo na naaayon sa takdang oras.

Facebook Comments