Higit P154-M halaga ng educational assistance, naipamahagi na ng DSWD

Umabot na sa mahigit 53,000 “students-in-crisis” ang nakatanggap ng educational assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa unang araw ng pamamahagi nito noong Sabado.

Sa datos na ibinahagi ng DSWD sa Facebook page nito kaninang umaga, umabot na P154 million ang halaga ng naipamahaging one-time cash aid ng ahensya para sa mga estudyante.

Ang tulong ay nakapaloob sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng DSWD na layong tulungan ang mga students-in-crisis na kinabibilangan ng mga sumusunod:


 Breadwinner
 Working student
 Inabandona ng mga magulang at nakatira sa mga kaanak
 Anak ng single parent
 Anak ng mga magulang na walang trabaho
 Anak ng mga ofw
 Biktima ng child abuse
 May mga magulang na mayroong hiv at;
 Biktima ng kalamidad

Maaari ring makatanggap ng ayuda maging ang mga estudyanteng nag-aaral sa private schools basta’t nakararanas sila ng krisis pinansyal.

Isasagawa ang payout ng educational assistance hanggang sa September 24.

Facebook Comments