Student cash aid na natanggap ng benepisyaryo ng 4Ps noong Sabado, ipinare-refund

391

Ipinasasauli ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo ang educational assistance na hindi sinasadyang maibigay sa mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) noong Sabado.

Ayon sa kalihim, ibabawas ito sa ayudang matatanggap ng 4Ps members sa hinaharap.

Pero aniya, hindi naman ito biglaang babawiin sa kanila.


Una nang nilinaw ni Tulfo na hindi na kasama sa makatatanggap ng educational assistance para sa indigent students ang mga 4Ps beneficiaries.

Paliwanag niya, buwan-buwan na kasing tumatanggap ng P600 hanggang P800 na education aid ang mga pamilyang miyembro ng 4Ps.

Samantala, nangako ang kalihim na magiging mas maayos na ang sistema ng pamamahagi ng tulong simula sa darating na Sabado.



Facebook Comments