HIGIT P2.2 M NA HALAGA NG PERA AT SELPON, NINAKAW SA TAYUG

Isinangguni ng isang Brgy. Kagawad sa Brgy. Poblacion ang nakitang nakabukas na pintuan ng naturang shop.
Napansin din ng manager na halatang pinilit na mabuksan ang padlock ng sliding door gamit sa isang cutter.
Nawawala rin ang nasa mahigit P200, 000 na cash sa kanilang vault, maging ang mga phones at tablets na umaabot sa mahigit P2, 000, 000 na halaga.
Nang tignan ang kuha ng CCTV, madaling araw nang pinasok ng dalawang suspek ang shop at dito na nilimas ang mga ninakaw na pera at gadgets. Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments