Umabot na sa P2 bilyon ang naipamahagi ng Small Business Corporation (SBCorp) sa mga micro small and medium enterprises (MSMEs) sa bansa.
Mula ito sa P10 bilyong pondo ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 na ayuda sa mga maliliit na negosyong naapektuhan ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.
Sa kabuuan, ayon sa SBCorp, higit 21,000 loans na ang kanilang naaprubahan para sa kanilang programang COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES).
Facebook Comments