Higit P20-M, ibinigay ng US sa DICT para sa pagpapatupad ng Nat’l Broadband Network Project

Manila, Philippines – Iginawad ng Estados Unidos sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ang ₱23.8 million grant para suportahan ang pagpapatupad ng National Broadband Network Project.

Ang grant ay inisyu ng U.S. Trade and Development Agency (USTDA) na nilagdaan nina U.S. Ambassador to the Philippines Sung King at ni DICT acting Secretary Eliseo Rio.

Sa pamamagitan ng grant, matutulungan nitong pagbutihin ang technical at operational designs, pag-assess sa future market demand at paghahanda sa mga dokumentong kailangan para sa pagpopondo at pagpapatupad ng network.


Facebook Comments