Crackdown laban sa mga pulitiko, pulis na sangkot sa illegal drugs, paiigtingin!

Manila, Philippines – Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulitiko at pulis na sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga na ihanda ang kanilang obitwaryo.

Ani Duterte, walang magiging ‘middle ground’ sa gagawing crackdown ng gobyerno sa mga ito.

Patuloy aniya ang kampanya kontra ilegal na droga sa kabila ng mga pagpuna ng human rights groups.


Binanatan muli ng Pangulo ang human rights groups dahil anggulong pagpatay lamang sa mga drug offender ang tinitingnan nila at ipinagsasawalang bahala lamang ang mga biktima.

Facebook Comments