Higit P200-M ayuda para sa mga magsasaka sa Nueva Ecija, inilabas na

Naglabas ang Department of Agriculture (DA) ng 219 million pesos para sa mga magsasaka sa Nueva Ecija.

Ito ay bilang ayuda sa pagbaha ng rice imports at pagbaba ng presyo ng palay.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar – iginawad nila ang cash assistance sa 500 magsasaka sa mga bayan ng Cuyapo, Guimba, Muñoz, Quezon, Talugtog, at Nampicuan sa Nueva Ecija.


Nasa 43,845 rice farms ang mabibigyan ng cash assistance.

Gamit ang cash cards na ibinigay ng Landbank, ang mga magsasaka ay madaling mawi-withdraw ang 5,000 pesos na ayuda na pwede nilang gastusin para sa livelihood projects.

Facebook Comments