HIGIT P20K PONDO, INILAAN SA KONSTRUKSYON NG MRF SA BRGY. SAN ANTONIO

CAUAYAN CITY – Matagumpay nang natapos ang konstruksyon ng bagong Material Recovery Facility (MRF) sa Sitio Tabbaruk, Brgy. San Antonio, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Punong Barangay Roosevelt Perido Jr., sinabi nitong sinimulan ang proyekto noong Oktubre 2024 at ganap na natapos ngayong Enero 2025.

Ayon sa kanya, mahigit ₱20,000 ang inilaan para sa naturang pasilidad, na nagmula mismo sa pondo ng Barangay San Antonio.


Sa kabuuan, mayroon nang pitong Material Recovery Facilities sa barangay, na inaasahang makakatulong upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa pagtatapon ng basura.

Samantala, hinimok ni Barangay Chairman Perido ang mga residente na i-segregate ang kanilang basura at pangalagaan ang pasilidad, upang mapakinabangan ito nang mas matagal.

Facebook Comments