Cauayan City, Isabela- Mahigit P26 milyon na Livelihood Assistance Grants (LAG) ang ipinagkaloob sa 1,199 recipients ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2) sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela and Nueva Vizcaya nitong Setyembre 5-9, 2022.
Ang LAG ay isang recovery at rehabilitation programs ng pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga pamilya kung saan apektado ang kanilang kabuhayan noong kasagsagan ng pandemya.
Nasa P15,000 ang natanggap ng bawat isang benepisyaryo na magsisilbing capital sa kanilang muling pagbangon.
Nakatakdang ipamahagi ng SLP ang higit sa 72M halaga ng mga grant sa natitirang target nito sa rehiyon hanggang sa katapusan ng Setyembre 2022.
Facebook Comments