Higit P3-bilyong halaga ng sigarilyo na may pekeng tax stamps, nasabat sa warehouse ng Mighty Corporation sa Bulacan

Manila, Philippines – Mahigit tatlong-bilyong pisong halaga ng sigarilyo na hinihinalang may fake tax stamps ang na-recover ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa dalawang warehouse ng kontrobersyal na Mighty Corporation.

 

Kaninang umaga nang salakayin ng BOC ang warehouse ng Mighty sa Ildefonso, Bulacan matapos na makatanggap ng impormasyong doon itinatago ang mga kontrbando.

 

Nang halughugin, tumambad sa kanila ang nasa 160-libong kahon ng sigarilyo na may pekeng tax stamp.

 

Dahil dito, dagdag na kaso ang posibleng kaharapin ng kumpanya at mga opisyal nito.

 

Una nang kinasuhan ng P9.5 billion tax evasion ng BIR ang Mighty dahil sa kabiguang magbayad ng tamang buwis.



Facebook Comments