Kilos prtesta ng Kadamay sa tanggapan ng National Housing Authority, bahagyang nagkaroon ng tensyon

Bahagyang nagkatensyon sa isinagawang kilos-protesta ng grupong Kadamay sa harapan ng tanggapan ng National Housing Authority (NHA) sa Elliptical Road, Quezon City.

 

Ito’y matapos na yugyugin ng mga nagpo-protesta ang gate ng NHA kung saan mahigpit namang nakabantay ang mga pulis.

 

Panawagan ng grupo, alisin na ang notice of eviction laban sa mga kasapi ng Kadamay at na umukopa sa housing units sa Pandi, Bulacan.

 

Hiniling din nila ang pagpapalabas ng resolusyon para maigawad na ang mga pabahay sa mga nakaupa sa Bulacan.



Facebook Comments