Higit P300-M, iniwang pinsala sa agrikultura at imprastraktura

Umabot na sa 282 milyong piso ang iniwang pinsala ng bagyong Ineng sa hilagang Luzon, lalo na sa Ilocos Norte.

Ito ang naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa sektor ng imprastraktura at agrikultura.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad – siyam na kalsada, apat na tulay at dalawang flood control ang nasira sa 12 bayan sa Ilocos Norte.


Nasa 263 million ang halaga ng nasira sa imprastraktura habang nasa 19.5 million sa agrikultura.

Pinaka-apektado ang mga palayan at palaisdaan.

Umabot na rin sa dalawa ang kumpirmadong patay sa Ilocos Norte kung saan ang isa sa mga biktima at natangay ng baha habang ang isa natabunan ng landslide.

Aabot na rin sa halos 19,000 indibidwal ang apektado ng bagyo sa 13 siyudad at munisipalidad sa Ilocos Norte.

Una nang isinailalim sa state of calamity ang Ilocos Norte.

Facebook Comments