Higit P4 milyong halaga ng Marijuana Bricks, Narekober

14

Cauayan City, Isabela- Narekober ng mga awtoridad kagabi ang tinatayang nasa mahigit P4 milyong pisong halaga ng pinatuyong dahon ng Marijuana na tumitimbang ng 33 kilos sa Tabuk City, Kalinga.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lulan ng motorsiklo ang suspek na kinilalang si Kennedy Bocad Adaoal, batay sa imbestigasyon lumalabas na aksidenteng nadiskubre ang mga droga na nasa loob ng bag matapos maaksidente ang suspek at agad na nirespondehan ng mga pulis subalit dahil sa dala nitong kontrabando ay pinilit nitong tumakas at iniwan ang dala nitong bag na naglalaman ng marijuana.


Ayon pa sa PNP, nawalan ng kontrol sa manibela ang suspek kaya’t sumemplang ito sa daan ngunit nagawa pa rin takasan ang crime scene kung saan narekober sa lugar ang isang (1) bag na naglalaman ng brown wallet na may iba’t ibang klase ng ID, kopya ng OR-CR, at dalawang cellphone.

Sa ngayon ay patuloy pang pinaghahanap ng pulisya ang suspek habang ang mga marijuana bricks ay nasa pangangalaga ng Kalinga Crime Laboratory para sa gagawing pagsusuri.

Facebook Comments