Binatilyo, Timbog sa Iligal na Droga

29

Cauayan City, Isabela- Inaresto ng mga alagad ng batas ang si alyas ‘Jayjay’, 15-anyos na Grade 9 student dahil umano sa pagbebenta ng iligal na droga matapos ang ikinasang drug buy-bust operation kahapon sa Tuguegarao City, Cagayan.

Base sa inisyal na report, kabilang sa listahan ng Street Level Individual sa pagbebenta ng iligal na droga ang estudyante.


Napagbentahan ng suspek ng isang (1) pakete ng hinihilang shabu ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer.

Dagdag pa dito, nakumpiska rin sa pag-iingat ng binatilyo ang isa pang pakete ng shabu at P1,000 buy-bust money.

Sa ngayon ay nasa pansamantalang pangangalaga ng pulisya ang binatilyo habang inihahanda na ang kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa kanya.

Facebook Comments