Higit P40-M Halaga ng Marijuana, Sinunog sa Kalinga

Cauayan City, Isabela- Nadiskubre ng mga otoridad ang may lawak na 8, 000 square meters na dalawang plantasyon ng marijuana at tinatayang nagkakahalaga ng 42 million pesos ng mga tanim na ipinagbabawal na gamot ang binunot sa barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Natunton ang taniman ng marijuana sa tulong ng mga nagsumbong na concerned citizens subalit walang naabutang suspek ang mga otoridad nang salakayin ang plantasyon.

Matapos bunutin ng pinagsanib pwersa ng PDEA Cordillera at PNP Kalinga ang nasa dalawang daan at sampung libong piraso ng puno ng marijuana na isinagawa sa loob ng tatlong araw mula July 28 hanggang 30 ay sabay-sabay din itong sinunog ng mga otoridad sa nasabing lugar.


Facebook Comments