Nakapagtala ng higit P42 million na danyos sa sektor ng agrikultura ang Malasiqui sa mga nagdaang bagyo.
Sa datos ng lokal na pamahalaan, nasa P36 million ang danyos sa mga tanim na palay mula sa kabuuang 1,278.78 ektarya ng totally at partially damaged na sakahan.
Nasa P6, 663,750 naman ang napinsalang high value crops habang P635, 500 naman sa 58 na apektadong palaisdaan.
Dagdag pa rito, nasa 2800 pamilya o katumbas ng 8500 indibidwal ang apektado mula sa 23 barangay na nalubog sa tubig baha.
Kaugnay nito, patuloy ang isinasagawang relief operations sa mga residente at nag-abiso na rin sa mga apektadong magsasaka na maaaring kumuha ng crop insurance para makabangon sa mga danyos ng bagyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









