Higit P5 bilyon loan para sa repopulation ng baboy, inaprubahan ng DA

54

Inaprubahan ng Department of Agriculture (DA) ang higit ₱5 billion na loan para sa repopulation ng mga baboy sa bansa.

Ayon kay National Livestock Program Director Ruth Sonaco, ito ay matapos lagdaan ng Land Bank of the Philippines (Landbank) ang 25 na aplikasyon na nagkakahalaga ng P3.2 billion.


Naglaan na rin ang Land Bank at Development Bank of the Philippines (DBP) ng P15 bilyon at P12 bilyon bilang pautang naman para sa mga hog raisers.

Habang mayroon ding programa ang ahensiya na Agricultural Credit and Policy Council (ACPC) kung saan pwede rito manghiram.

 

Facebook Comments