Kiray Celis, nanawagan na itigil na ang body shaming

634

Confidence is the key.

Ito ang say ng actress-comedian na si Kiray Celis kasabay ng pagpo-post ng kaniyang bikini photo.


Sa isang Instagram post, ibinahagi niya ang kaniyang litrato na nasa pool kung saan may caption ito na itigil na raw ang body shaming lalo na’t hindi rin naman nila magugustuhan kung sila ang makakabasa ng ganito.

Nanawagan din ang aktres sa bashers na itigil na ang pang-iinsulto at maging proud na lamang sa bawat isa.

Unang nag-ingay ang mga netizen nang mag-umpisa ang aktres ng kaniyang bikini serye.

Facebook Comments