Cauayan City, Isabela- Umabot na sa 354 na kabahayan sa lalawigan ng Batanes ang totally-damaged matapos manalasa ang bagyong Kiko nitong nakaraang linggo.
Sa inilabas na datos ng Provincial Government, pumalo na sa mahigit P500 milyon ang inisyal na halaga ng naitalang pinsala sa mga kabahayan, imprastraktura, at agrikultura maging sa elektrisidad.
Bukod ditto, nasa 1, 254 naman na mga kabahayan ang partially-damaged makaraang hagupitin ng nagdaang bagyo ang malaking bahagi ng probinsya.
Samantala, umabot na sa 27 ang sugatan noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyo habang maswerte namang walang naitalang casualties sa lalawigan.
Sa kabila nito, nananawagan ng tulong ang probinsya sa mga nais magbahagi para sa muling pagbangon ng mga Ivatan.
Una nang isinailalim sa State of Calamity ang buong lalawigan dahil sa laki ng iniwang pinsala ng bagyong Kiko.