Higit P6 milyong halaga ng shabu, nasabat sa apat na suspek sa Makati City

61

Nakakumpiska ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Makati City Police Station ang nasa 900 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.2 milyong mula sa apat na suspek.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), ginawa ang buy-bust operation sa Kalayaan Ave., Brgy. West Rembo, Makati City kamakalawa ng gabi.


Kinilala ang mga naarestong drug suspek na sina Marivic Delacuesta, Daryl Ace Parungo, Jamail Bura at Frank Lawrence Dela Cruz.

Bago ang buy-bust operation, isinailalim muna sa intelligence monitoring ang mga suspek at nang makumpirma ang impormasyon ikinasa ang operasyon.

Sa ngayon, nakakulong na ang mga suspek at nahaharap na sa paglabag sa Sections 5 at 13, Article II ng Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2002.”

Facebook Comments