Higit P679 billion, inilabas ng DBM para sa COVID response

Naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng ₱679.27 billion para sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para suportahan ang mga proyekto, aktibidad, at programang nakalaan para sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa DBM, obligated ang ₱600.66 billion habang ang ₱550.53 billion ay nai-disbursed batay sa Financial Accountability Reports na isinumite ng iba’t ibang ahensya at departamento.

Ang nasabing halaga ay katumbas ng 88.4% obligation rate at6 91.7% disbursement rate.


Layunin ng pondo na suportahan ang Republic Act No. 11494 o Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 na nagkakahalaga ng ₱214.12 billion.

Ang ₱387.93 billion allotment ay inilabas alinsunod sa Republic Act 11469 no Bayanihan to Heal as One Act.

Facebook Comments