Higit P7 million, Pinsala sa Sektor ng Agrikultura sa City of Ilagan dahil sa Bagyong Pepito

Cauayan City, Isabela- Kasalukuyan ngayon ang pagsasaayos sa listahan ng mga magsasakang apektado ng nagdaang Bagyong Pepito sa lungsod ng Ilagan para sa inaasahang ayuda.

Ayon kay Moises Alamo, City Agriculture Officer, aabot sa mahigit P7 milyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura sa siyudad.

Aniya, nasa mahigit 500 magsasaka ang apektado nito dahil ilan sa kanilang mga tanim ay lubog sa baha dulot ng malawakang pag-uulan na kanilang naranasan.


Batay sa datos, nasa 160 ektarya ng pananim na mais ang napinsala; palay na umabot sa 1,341 ektarya habang sa vegetable crops ay umakyat sa 12 ektarya.

Isusumite bukas ang mga listahan sa tanggapan ng Provincial Agriculture Office (PAO) para sa pagsasaayos na mabigyan ng agarang tulong ang mga maliliit na magsasakang apektado ng bagyo.

Facebook Comments