Vice President Leni Robredo, bibisitahin ang mga kababayan sa Bicol Region na sinalanta ni Bagyong Rolly

Binibisita na ni Vice President Leni Robredo ang mga sinalanta ng Bagyong Rolly sa Bicol Region.

Dumating kaninang umaga sa kaniyang hometown sa Camarines Sur si Robredo at kinalungkot niya ang nakitang lawak ng pinsala sa imprastraktura at sa agrikultura.

Agad na dineploy ni Robredo ang team mula sa Office of the Vice President para sa assessment ng lawak ng pinsala.


Inihahanda na ng Office of the Vice President ang mga relief goods na ipapamahagi.

Kabilang sa bibisitahin ng Bise Presidente ay ang Catanduanes at Albay.

Facebook Comments