HIGIT P7K HALAGA NG BASURA, NAI-TRADE IN SA KALINISAN KARABAN SA MABINI

Mabini, Pangasinan – Muling dinala sa bayan ng Mabini ang Abig Pangasinan – Kalinisan Karaban kung saan idinaos ang naturang pangyayari sa Tagudin Elementary School.

Dito ay ipinalit ang nakolektang basura mula sa pitong barangay sa bayan na nasa 358.25 kilos na may katumbas na halagang P7, 160.

Pinalitan ang mga basurang naipon ng grocery items, bigas, tablet o cellphone.
Bukod dito, tuloy pa rin sa programang kalusugan karaban ang free x-ray, ecg, at ultrasound, maging ang konsultasyon sa doktor.


Matagumpay ang naturang aktibidad kahit pa may pagkamaulan nang ito’y isagawa. Ipagpapatuloy naman ng pamahalaang panlalawigan ang inisyatibong nasimulan sa mga bayan pa sa probinsya.

Facebook Comments