Higit P8-M Marijuana Plants, Sinira sa Kalinga

Cauayan City, Isabela- Aabot sa kabuuang P8,648,000 ang halaga ng Marijuana plants mula sa apat na taniman ang pinagsisira ng mga otoridad sa Barangay Ngibat, Tinglayan, Kalinga.

Ito ay sa harap ng pinaigting na kampanya ng mga kinauukulan sa pagsugpo ng iligal na droga sa probinsya.

Pinagsanib na pwersa ng PDEG, PDEA Kalinga, Tinglayan MPS, PDEU Kalinga, RDEU PRO-COR, 1st KPMFC, 2nd KPMFC, RMFB15, RID PRO-COR/RIU14, at PIU Kalinga ang nagtulong-tulong para siraan ang nasabing taniman ng Marijuana sa ilalim ng ‘OPLAN BUTTERFLY’.


Ayon sa report, may lawak ang taniman na aabot sa 4,300 squaremeters kung saan 43,000 fully grown marijuana ang pinagsusunog ng mga otoridad.

Samantala, narekober rin ang nasa 400 gramo ng Marijuana dried leaves na may halagang P48,000 sa unang plantasyon.

Pinuri naman ni Pcol. Davy Vicente Limmong, PNP Kalinga Director ang mga operatiba na nagsagawa ng operasyon sa lugar.

Aniya, makasisiguro ang publiko na tuloy-tuloy ang kanilang pag-iikot upang tuluyan nang maalis sa bawat komunidad ang iligal na droga.

Facebook Comments