Higit P84-M na unemployment benefits, inilabas ng SSS sa halos 6,900 members nito

Naglabas ang Social Security System (SSS) ng higit 84 na milyong pisong halaga ng unemployment benefits.

Ito ay kasunod ng implementasyon ng Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018.

Ayon kay SSS President Aurora Ignacio – ang pension fund ay nakapagbigay ng financial assistance sa halos 6,900 miyembro nito na involuntary separated mula sa work force.


Ang unemployment benefit ay isa sa features ng Social Security Act na layong makapagbigay ng cash benefit katumbas ng kalahati ng average monthly salary credit ng isang miyembro sa loob ng dalawang buwan.

Para ma-avail ang unemployment benefit, ang mga miyembro ay hindi lalagpas sa 60 years old sa oras ng involuntary separation.

Para sa mga underground at surface mine workers, racehorse jockey member, hindi dapat sila hihigit sa 50 at 55 years old.

Ang member applicant ay dapat nakapabayad ng hindi bababa sa 36 na monthly contributions.

Involuntary separation ay kinabibilangan ng pagtatalaga ng labor-saving devices, redundancy, retrenchment, closure o cessation of operation at disease o illness of employee.

Kailangang magsumite ang aplikante ng DOLE-issued certification kung saan nakalagay ang nature at petsa ng involuntary separation, maging ang notice of termination mula sa employer o affidavit ng termination of employment.

Ang mga aplikante ay kailangang mag-prisinta ng orihinal at photocopy ng primary ID o dokumento sa anumang SSS local branch o foreign office.

Facebook Comments