Umabot sa 9.6 milyong piso ang kabuuang halaga na tulong pinansyal para sa mga Tulong Panghanapbuhay Disadvantaged/ Displaced Workers( TUPAD) sa Bayan ng Gattaran kahapon, Disyembre 02, 2021.
Pinangunahan naman ni DOLE Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III ang pamamahagi ng tulong sa mga benepisyaryo.
Mahigit 2,000 TUPAD Workers ang nakatanggap ng P3,700 bawat isa kapalit ng sampung araw (10) na pagtatrabaho sa komunidad.
Kaugnay nito, nasa 20 ambulant vendors ang nabenepisyuhan sa livelihood Program na nagkakahalaga ng P600K na ipinagkaloob sa LGU Gattaran na siyang gagamitin na pambili ng mga materyales para sa mga benepisyaryo.
Samantala, sinabi ni Bello na ang tulong na ibinigay sa mga benipisyaryo ay upang maibsan ang matinding epekto na pandemya sa kanila.
Kasama rin sa ginanap na aktibidad si DOLE Regional Director Joel Gonzales at Mayor Matthew Nolasco ng LGU Gattaran.