Mahigit 8-million, nabakunahan sa 3-day National Vaccination Drive

72

Umabot sa 8,014,751 na Pilipino ang nabakunahan sa naunang tatlong araw na National Vaccination Drive.

Ayon kay National Vaccination Operations Center at Health Undersecretary Myrna Cabotaje, umabot sa mahigit 2.7 million ang nabakunahan noong Lunes; nasa 2.4 million ang nabakunahan noong Martes; higit 2.8 million nitong Disyembre 1.

Aniya, inaasahang tataas pa ang bilang na ito dahil patuloy pa ang pagdating ng mga datos.


Sinabi naman ni Cabotaje na ang Calabarzon, Central Luzon, at Central Visayas ang mga nangunang rehiyon na may pinakamaraming nabakunahan.

Nauna nang tinarget ng pamahalaan na mabakunahan sa 3-day National Vaccination Drive ang 15 million Filipino pero ibinaba ito sa 9 million.

Facebook Comments