Higit sa 200 armas, nakumpiska ng NCRPO simula nang ipatupad ang gun ban

Manila, Philippines – Umabot na sa 247 armas na nasabat ng National Capital Region Police Office simula nang ipatupad ang gun ban kaugnay sa 2019 Midterm Election.

Batay sa ulat ng NCRPO, mula January 13 hanggang kaninang alas-5 ng umaga, 230 sa mga baril na kanilang nakumpiska ay nakuha mula sa iba’t ibang operasyon.

Habang 17 armas naman ang nakuha mula sa mahigit 9 libong checkpoint na inilatag sa ibat ibang lugar sa Metro Manila.


Umabot naman sa 486 ang mga naaresto dahil sa mga paglabag sa ilalim ng omnibus election code.

26 sa kanila ay naaresto sa checkpoint habang 460 naman sa police operation.

30 katao naman ang nasawi kung saan 7 sa kanila ay namatay matapos tumakas sa chexkpoint habang 23 ay dahil sa patrol response.

Sinabi ni NCRPO Director Guillermo Eleazar na tuloy ang paglalatag ng checkpoints at dagdag na police patrols para matiyak ang kaligtasan ng publiko lalo na’t papalapit ang eleksyon 2019.

Facebook Comments