Higit sa 2,000 evacuees, nananatili pa rin sa evacuation center sa Rizal

Rizal – Wala na ang bagyong Maring at Lannie pero nananatili parin sa mga evaluation center ang higit sa 2,000 indibidwal sa Rizal.

Sa pinakahuling datos ng PDRRMO ng nasabing lalawigan pinaka-maraming pamilya ang nasa Taytay Rizal na may bilang na 717.

Sinundan ng Pililla na may bilang na 590, 566 sa San Mateo Rizal, 294 sa Angono at 252 sa Baras.


Ayon kay Loel Malonzo ng PDRRMO ng Rizal delikado parin sa mga pamilya ang pag balik sa mga dating tinitirahan kahit pa nakalagpas na ang mga bagyo.

Sinabi naman ni Juday Karunungan, tumigil na ang pag-ulan pero nananatili paring basa ang lupa kayat ilan sa mga biktima ay takot ng bumalik sa dating tinitirahan.

Matatandaan na 2 menor-de edad ang patay matapos matabunan ng lupa sa brgy. Dolores Taytay Rizal sa kasagsagan ng pag hagupit ng bagyong Maring at Lannie.

Facebook Comments