Manila, Philippines – Kabuoang 237,000 na mga guro ang magsisilbing Board of Election Inspectors (BEIs) at Board of Election Tellers sa midterm elections sa May 13 2019.
Hindi maitatanggi na buwis buhay ang pagbabantay sa mga balota at mismong botohan lalo na sa mga deneklarang election hotspot.
Ayon kay DepEd Undersecretary and Chief of Staff Nepomuceno Malaluan, walang insurance ang mga guro pero may nakalaan na 200,000 pesos para sa kanilang medical assistance at 500,000 pesos kapag sila ay namatay dahil sa pagsisilbi sa darating na eleksyon.
Kasabay nito gagamit ang DepEd ng mobile apps, para mapa bilis ang pagpapadala ng impormasyon o kaganapan na may kaugnayan sa halalan.
May 12 pa lang magsisimula na silang magtrabaho para sa paghahanda at matatapos ang kanilang misyon sa May 14, alas 5 ng hapon.
Samantala, tiniyak ni Malaluan na may honoraria, transportation allowance at minimum na limang araw, leave credits na maaring monetized ng mga guro na magsisilbi sa midterm election.