Nuggets, panalo kontra Blazers; 124–98

Panalo ang Denver Nuggets kontra sa Portland Trail Blazers sa game 5 ng semifinals nang nagpapatuloy na NBA Western Conference Playoffs, 124 – 98.

Bumida ang Nuggets player na si Nikola Jokic na nakapagtala ng 25 points at 19 rebounds habang hindi umubra ang 22 points ni Damian Lillard ng Blazers.

Ayon kay Nuggets coach Michael Malone – malaking tulong sa kanilang panalo ang istratehiya nila sa defense at rebound.


Aabot sa 62 rebounds ang nagawa ng buong team ng Blazers habang 43 rebound para sa Nuggets.

Facebook Comments