Sa unang quarter pa lamang ng 2019 umaabot na sa 4,316 violators ng anti-littering operations ang nahuli ng Metropolitan Manila Development Authority.
Sa report ng MMDA Health, Public Safety and Environmental Police Office sa nabanggit na bilang 965 litterbugs ang nahuli nuong Enero, 1,053 nuong Pebrero at 2,298 litterbugs nito lamang bwan ng Marso.
Ayon pa sa MMDA 1,487 violators ang nagbayad ng multa habang 32 offenders ang piniling gampanan ang kanilang eight-hour community service.
Karamihan sa mga ito ay nahuling nagkakalat sa Monumento, Cubao, Ortigas district, EDSA-Taft, Guadalupe, North-EDSA, Buendia.
Paalala naman ni MMDA Chairman Danilo Lim ang pagkakaroon ng publiko ng disiplina at iwasang magkalat sa lansangan maliit man o malaki ang inyong basura ay dapat itapon sa basurahan.